Katapustapusan nga, mga kapatid, kayoy aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus, na, ayon sa tinanggap ninyo sa amin, na kung paanong kayoy dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios, na gaya ng inyong paglakad, upang kayoy magsipanagana ng higit at higit.
Na sinomay huwag lumapastangan at magdaya sa kaniyang kapatid sa bagay na ito: sapagkat ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan.
Datapuwat tungkol sa pagiibigang kapatid ay hindi ninyo kailangan na kayoy sulatan ng sinoman: sapagkat kayo rin ay tinuruan ng Dios na mangagibigan kayo sa isat isa;
Sapagkat katotohanang ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia. Ngunit aming iniaaral sa inyo, mga kapatid, na kayoy lalot lalong magsipanagana.
At pagaralan ninyong maging matahimik, at gawin ang inyong sariling gawain, at kayoy mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;
Ngunit hindi namin ibig na kayoy di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayoy huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa.
Sapagkat kung tayoy nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.
Sapagkat itoy sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.
Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganitoy sasa Panginoon tayo magpakailan man.