|
| 1 |
|
| Datapuwa't tungkol sa mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman. |
|
| 2 |
|
| Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi. |
|
| 3 |
|
| Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan. |
|
| 4 |
|
| Nguni't kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw: |
|
| 5 |
|
| Sapagka't kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man; |
|
| 6 |
|
| Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi tayo'y mangagpuyat at mangagpigil. |
|
| 7 |
|
| Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi. |
|
| 8 |
|
| Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan. |
|
| 9 |
|
| Sapagka't tayo'y hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, |
|
| 10 |
|
| Na namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya. |
|
| 11 |
|
| Dahil dito kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa. |
|
| 12 |
|
| Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo; |
|
| 13 |
|
| At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan. |
|
| 14 |
|
| At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat. |
|
| 15 |
|
| Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat. |
|
| 16 |
|
| Mangagalak kayong lagi; |
|
| 17 |
|
| Magsipanalangin kayong walang patid; |
|
| 18 |
|
| Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo. |
|
| 19 |
|
| Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu; |
|
| 20 |
|
| Huwag ninyong hamakin ang mga panghuhula; |
|
| 21 |
|
| Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti; |
|
| 22 |
|
| Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama. |
|
| 23 |
|
| At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo. |
|
| 24 |
|
| Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito. |
|
| 25 |
|
| Mga kapatid, idalangin ninyo kami. |
|
| 26 |
|
| Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng banal na halik. |
|
| 27 |
|
| Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid ang sulat na ito. |
|
| 28 |
|
| Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa. |
|
|
|
|