Sapagkat siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasay may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay.
Datapuwat si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan.
Dahil ditoy nagalit ako sa lahing ito, At aking sinabi, Laging silay nangagkakamali sa kanilang puso: Ngunit hindi nila nangakilala ang aking mga daan;
Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay: