Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo? hindi baga nagbubuhat dito, sa inyong mga kalayawan na bumabaka sa inyong mga sangkap?
Kayoy nangagiimbot, at kayoy wala: kayoy nagsisipatay, at kayoy nangaiinggit, at hindi maaaring kamtan: kayoy nangakikipagaway at nangakikipagbaka; kayoy wala, sapagkat hindi kayo nagsisihingi.
Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.
O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian?
Ngunit siyay nagbibigay ng lalong biyaya. Kayat sinasabi ng kasulatan, Ang Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwat nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.
Magsilapit kayo sa Dios, at siyay lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang akala.
Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isat isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, o humahatol sa kaniyang kapatid, ay nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwat kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.
Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo:
Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo ngay isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdakay napapawi.