Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawat espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung silay sa Dios: sapagkat maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.
At ang bawat espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayoy nasa sanglibutan na.
Tayo ngay sa Dios: ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Ditoy ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian.
Narito ang pagibig, hindi sa tayoy umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan.
Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios: kung tayoy nangagiibigan, ang Dios ay nananahan sa atin, at ang kaniyang pagibig ay nagiging sakdal sa atin:
At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.
Ditoy naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayoy magkaroon ng pagkakatiwala sa araw ng paghuhukom; sapagkat kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito.
Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagkat ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
Kung sinasabi ng sinoman, Akoy umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagkat ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita?