Pagkatapos nito ay nakakita ako ng apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anumang punungkahoy.
At nakita ko ang isa pang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Diyos na buhay at siya'y sumigaw ng may malakas na tinig sa apat na anghel na pinagkalooban ng kapangyarihang pinsalain ang lupa at ang dagat,
na nagsasabi, "Huwag ninyong pinsalain ang lupa, o ang dagat, o ang mga punung-kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Diyos."
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at naroon, ang napakaraming tao na di mabilang ng sinuman, mula sa bawat bansa, sa lahat ng mga lipi, mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng trono at sa harapan ng Kordero, na nakasuot ng mapuputing damit, at may mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay;
At ang lahat ng mga anghel ay tumayo sa palibot ng trono, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay at sila'y nagpatirapa sa harapan ng trono at sumamba sa Diyos,
na nagsasabi, "Amen! Ang pagpapala, kaluwalhatian, karunungan, pagpapasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan, ay sa aming Diyos magpakailanpaman. Amen."
Sinabi ko sa kanya, "Ginoo, ikaw ang nakakaalam." At sinabi niya sa akin, "Ang mga ito ang nanggaling sa malaking kapighatian, at naghugas ng kanilang mga damit at pinaputi ang mga ito sa dugo ng Kordero.
sapagkat ang Kordero na nasa gitna ng trono ay siyang magiging pastol nila, at sila'y papatnubayan patungo sa mga bukal ng tubig ng buhay; at papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata."