At nangyari nang mga kaarawan nang humatol ang mga hukom, na nagkagutom sa lupain. At isang lalaking taga Bethlehem-juda ay yumaong nakipamayan sa lupain ng Moab, siya, at ang kaniyang asawa, at ang kaniyang dalawang anak na lalake.
At ang pangalan ng lalake ay Elimelech, at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Noemi, at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak ay Mahalon at Chelion, mga Ephrateo na taga Bethlehem-juda. At silay naparoon sa lupain ng Moab, at nanirahan doon.
Nang magkagayoy bumangon siya na kasama ng kaniyang dalawang manugang upang siyay bumalik mula sa lupain ng Moab: sapagkat kaniyang nabalitaan sa lupain ng Moab kung paanong dinalaw ng Panginoon ang kaniyang bayan sa pagbibigay sa kanila ng tinapay.
At sinabi ni Noemi sa kaniyang dalawang manugang, Kayoy yumaon, na bumalik ang bawat isa sa inyo sa bahay ng kaniyang ina: gawan nawa kayo ng magaling ng Panginoon, na gaya ng inyong ginawa sa mga namatay at sa akin.
Ipagkaloob nawa ng Panginoon na kayoy makasumpong ng kapahingahan, bawat isa sa inyo sa bahay ng kaniyang asawa. Nang magkagayoy kaniyang hinagkan sila; at inilakas nila ang kanilang tinig at nagsiiyak.
Kayoy magsibalik, mga anak ko, magpatuloy kayo ng inyong lakad; sapagkat akoy totoong matanda na upang magkaroon pa ng asawa. Kung aking sabihin, Akoy may pagasa, kung akoy magkaasawa man ngayong gabi, at akoy magkakaanak man;
Maghihintay kaya kayo hanggang sa silay lumaki? magbabawa kaya kayo na magkaasawa? huwag, mga anak ko: sapagkat daramdamin kong mainam dahil sa inyo, sapagkat ang kamay ng Panginoon ay nanaw laban sa akin.
At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kitay iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagkat kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios:
Kung saan ka mamatay, ay mamamatay ako, at doon ako ililibing; hatulan ako ng Panginoon at lalo na, maliban ang kamatayan ang maghiwalay sa iyo at sa akin.
Sa gayoy yumaon silang dalawa hanggang sa silay dumating sa Bethlehem. At nangyari, nang silay dumating sa Bethlehem, na ang buong bayan ay napataka sa kanila; at sinabi ng mga babae, Ito bay si Noemi?
At sinabi niya sa kanila, Huwag na ninyo akong tawaging Noemi, tawagin ninyo akong Mara: sapagkat ginawan ako ng kapaitpaitan ng Makapangyarihan sa lahat.
Akoy umalis na puno, at akoy iniuwi ng Panginoon na walang dala. Bakit ninyo ako tinatawag na Noemi, yamang ang Panginoon ay nagpatotoo laban sa akin, at dinalamhati ako ng Makapangyarihan sa lahat?
Sa gayoy nagsibalik si Noemi at si Ruth na Moabita, na kaniyang manugang na kasama niya, na nagsibalik mula sa lupain ng Moab: at silay nagsidating sa Bethlehem sa pasimula ng pagaani ng sebada.