× Wika Europa Ruso Belarusian Ukranyo Polish Serbyan Bulgarian Slovakian Tsek Rumano Moldovian Azerbaijan Armenyo Georgian Albanes Avar Bashkir Tatar Chechen Eslobenyan Kroatyano Estonian Latvian Lithuanian Hanggaryan Finnish Norwegian Suweko Icelandic Griyego Macedonian Aleman Bavarian Olandes Danish Welsh Gaelic Irish Pranses Basque Catalan Italyano Galacian Romani Bosnian Hilagang Amerika Ingles Timog Amerika Espanyol Portuges Guarani Quechuan Aymara Gitnang Amerika Jamaican Nahuatl Kiche Q'eqchi Haitian Silangang Asya Intsik Hapon Koreano Mongolian Uyghur Hmong Timog-silangang Asya Malaysian Burmese Hakha Chin Nepali Cebuano Tagalog Cambodian Thai Indonesiyo Vietnamese Java Lao Iban IuMien Kachin Lahu Aceh Balinese Bugis Pampanga Sasak Shan Waray Timog asya Hindi Odia Awadhi Mizo Kannada Malayalam Marathi Gujarati Tamil Telugu Punjabi Kurukh Assamese Maithili Bengali Urdu Sinhala Dogri Haryanvi Meitei Konkani Santali Sindhi Koya Thado Sanskrit Devanagari Adilabad Gondi Ahirani Balochi Bundeli Chhattisgarhi Garhwali Kangri Kumaoni Mewari Munda Sadri Seraiki Shekhawati Sylheti Gitnang Asya Kyrgyz Uzbek Tajik Turkmen Kasakstan Karakalpak Gitnang Silangan Turko Hebreo Arabe Persyano Kurdish Pashto Koptiko Africa Aprikaans Xhosa Zulu Ndebele Sotho Amharic Wolaytta Nigerian Mossi Ika naman Dinka Kabyle Ewe Swahili Moroko Somalian Shona Madagaskar Igbo Lingala Baoule Siswati Tsonga Tswana Gambia Yoruba Kamba Kinyarwanda Hausa Chewa Luo Makua Dyula Fulfulde Kalenjin Kikuyu Kikwango Kirundi Krio Nigerian Pidgin Oromo Tshiluba Tshivenda Twi Umbundu Lugbara Luguru Pular Gussi Maasai Turkana Moba Nuer Shilluk Tamasheq Makonde Bemba Fon Hadiyya Ibibio Kimbundu Kimiiru Lango Liberian Kreyol Lomwe Mende Morisyen Ndau Nyankole Sena Sidamo Soga Songe Sukuma Tarifit Teso Tiv Zande Dagbani Kontinente ng Australia Niyusiland Papua New Guinea Mga Lumang Wika Arameik Latin Esperanto 1 1 1 1905 201520122005Revised 200520011905TLBA1 1 1 Gawa GenesisExodoLeviticoNumeroDeuteronomioJoshuaHukomRuth1 Samuel2 Samuel1 Hari2 Hari1 Cronica2 CronicaEzraNehemiasEstherJobAwitKawikaanEclesiastesAwit ni SolomonIsaiasJeremiasPagpipighatiEzekielDanielHoseaJoelAmosObadiahJonasMikasNahumHabacucZephaniahHaggaiZacariasMalakias--- --- ---MateoMarkaLucasJohnGawaRoma1 Corinto2 CorintoGalaciaEfesoFiliposColosas1 Tesalonica2 Tesalonica1 Timoteo2 TimoteoTitoFilemonHebreoJames1 Pedro2 Pedro1 Juan2 Juan3 JuanJudeApocalipsis1 1 1 1 123456789101112131415161718192021222324252627281 1 1 : 1 12345678910111213141516171819202122232425261 1 1 Ang Biblia 1905 Gawa 1 I-save ang Mga Tala 1Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus,2Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga apostol na kaniyang hinirang;3Na sa kanila namay napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siyay makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios:4At, palibhasay nakikipagpulong sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama, na sinabi niyang narinig ninyo sa akin:5Sapagkat tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwat kayoy babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa.6Tinanong nga siya nila nang silay nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?7At sinabi niya sa kanila, Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.8Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayoy magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.9At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siyay tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siyay tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.10At samantalang tinititigan nila ang langit habang siyay lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit;11Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayoy nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.12Nang magkagayon ay nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo, na malapit sa Jerusalem, na isang araw ng sabbath lakarin.13At nang silay magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago.14Ang lahat ng mga itoy nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya.15At nang mga araw na itoy nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daat dalawangpu),16Mga kapatid, kinakailangang matupad ang kasulatan, na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus.17Sapagkat siyay ibinilang sa atin, at siyay tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong ito.18Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa pagpapatihulog ng patiwarik, ay pumutok siya sa gitna, at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.19At itoy nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem; ano pat tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama, sa makatuwid bagay, Ang parang ng Dugo.)20Sapagkat nasusulat sa aklat ng Mga Awit, Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan, At huwag bayaang manahan doon ang sinoman; at, Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan.21Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin,22Magmula sa pagbautismo ni Juan, hanggang sa araw na siyay tanggapin sa itaas mula sa atin, ay nararapat na ang isa sa mga itoy maging saksi na kasama natin sa kaniyang pagkabuhay na maguli.23At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias.24At silay nagsipanalangin, at nagsipagsabi, Ikaw, Panginoon, na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao, ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang,25Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at pagkaapostol na kinahulugan ni Judas, upang siyay makaparoon sa kaniyang sariling kalalagyan.26At silay pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siyay ibinilang sa labingisang apostol.Tagalog Bible 1905 Public Domain: 1905 Ang Biblia 1905 Gawa 1 00:00:00 00:00:00 0.5x 2.0x https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/acts/001.mp3 28 1