2. “Isinusumpa ko sa Diyos na sa aki'y nagkait ng katarungan, sa Makapangyarihang Diyos na nagdulot sa akin ng kapaitan.
3. Habang mayroon akong hininga na Diyos ang nagbibigay, ang labi ko'y walang bibigkasing kasinungalingan, ang aking sasabihin ay pawang katotohanan.
4.
5. Hindi ko matatanggap na kayo ang may katuwiran, igigiit hanggang kamatayan na ako'y walang kasalanan.
6. Hindi ko isusuko ang aking katuwiran, budhi ko'y malinis, di ako sinusumbatan.
7. “Parusahan nawa ang lahat ng sa aki'y lumalapastangan; ituring nawa silang lahat na makasalanan.
8. Ang makasalana'y mayroon pa bang pag-asa, kapag binawi na ng Diyos ang buhay na taglay niya?
9. Pagsapit ng kaguluhan, papakinggan kaya ng Diyos ang kanyang panawagan?
10. Ito kaya ay mananalig sa Makapangyarihan at sa lahat ng araw, Diyos ay tatawagan.
11. “Ang kalooban ng Diyos, sa inyo'y sasabihin at aking ihahayag ang nais niyang gawin.
12. Ang lahat ng ito'y inyo namang nalalaman, subalit ang salita ninyo'y pawang walang kabuluhan.”
13. Ang sagot ni Zofar: “Sa masama ay ganito ang inihanda ng Diyos, sa mararahas ay ito ang parusang ibubuhos:
14. Magkakaanak sila ng marami ngunit mamamatay sa digmaan, ang kanilang mga anak, gutom ang mararanasan.
15. Ang matitirang buháy, sa salot mamamatay, ngunit kanilang mga biyuda, hindi sila tatangisan.
16. Kahit siya'y makaipon ng malaking kayamanan o kaya'y magkaroon ng maraming kasuotan,
17. isa man sa mga iyon ay di niya papakinabangan, mapupunta sa matuwid ang lahat niyang kayamanan.
18. Sapot lamang ng gagamba ang katulad ng kanyang bahay, parang kubo lamang ng mga aliping bantay.
19. Matutulog ang mayaman ngunit hanggang doon na lang; pagmulat ng kanyang mata, ari-arian niya ay wala na.
20. Mga kasawian ay parang bahang darating, tatangayin ng ipu-ipo pagsapit ng dilim.
21. Matinding hanging silangan, sa kanya ay tatangay, tuluyan siyang mawawala at di na makikita.
22. Patuloy siyang babayuhin nang walang pakundangan, ang kapangyarihan nito'y sisikapin niyang matakasan.
23. Sa bandang huli, hangin ay magagalak pagkat itong masama, tuluyan ng bumagsak.
1. “May lugar kung saan ang pilak ay mahuhukay, at may pook kung saan ang ginto'y dinadalisay.
2. Nahuhukay ng tao ang bakal mula sa lupa, at nilulusaw ang tanso mula sa batong nakuha.
3. Sinasaliksik ng tao ang pinakamalalim na kadiliman, ginagalugad pati ang kailaliman upang humukay ng batong yaman.
4. Humuhukay nang malalim sa ilang at kabundukan na hindi pa naaabot ng sinumang manlalakbay, nagmimina sila roon sa gitna ng kalungkutan.
5. Sa lupa tumutubo ang halamang kinakain, ngunit parang tinupok ng apoy ang nasa ilalim.
6. Nasa mga bato ang mga safiro, nasa alabok naman ang gintong puro.
7. Ang daang iyo'y di abot-tanaw ng lawin, kahit mga buwitre'y hindi ito napapansin.
8. Hindi pa ito nadadaanan ng hayop na mababangis, hindi pa nagagawi rito ang leong mabagsik.
9. “Hinuhukay ng mga tao ang batong matitigas, pati paanan ng mga bundok ay kanilang tinitibag.
10. Sa malalaking bato'y gumagawa sila ng lagusan, mamahaling hiyas ay kanilang natutuklasan.
11. Pinagmumulan ng ilog ay kanilang tinutunton, at dinadala sa liwanag anumang nakatago roon.
12. Ngunit saan kaya matatagpuan itong karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan?
13. “Hindi alam ng tao ang daan tungo sa karunungan; wala iyon sa lupain ng mga nabubuhay.
14. Ang sabi ng kalaliman, ‘Wala sa akin ang kaalaman.’ Ganito rin ang sinasabi ng buong karagatan.
15. Hindi ito mabibili kahit ginto ang ibayad, hindi ito makukuha palitan man ng pilak.
16. Ang pinakamahal na ginto at alahas, sa halaga ng karununga'y hindi maitutumbas.
17. Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng karunungan, mas mahal kaysa sa alahas o sa gintong kayamanan.
18. Mas mahalaga ang karunungan kaysa magandang koral, higit itong mamahalin kaysa perlas o sa kristal.
19. Kahit na ang topaz, dito'y di maipapantay, at hindi rin mahihigitan kahit ng gintong dalisay.
20. “Kung gayo'y saan nga nagmumula ang karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan?
21. Hindi ito nakikita ng sinumang nilalang, mga ibong lumilipad, hindi rin ito natatanaw.
22. Kahit ang Pagkawasak at ang Kamatayan ay nagsasabing ang narinig nila'y mga sabi-sabi lamang.
23. “Ngunit tanging ang Diyos lang ang siyang nakakaalam kung saan naroroon ang tunay na karunungan.
24. Pagkat nakikita niya ang bawat sulok ng daigdig; natatanaw niyang lahat ang nasa ilalim ng langit.
25. Ang hangin ay kanyang binigyan ng bigat, ang karagatan ay itinakda niya ang sukat.
26. Ipinasya niya kung saan papatak ang ulan, at pati ang kidlat, binigyan niya ng daraanan.
27. Dito niya nakita at sinubok ang karunungan, kanyang itinatag at binigyang kahalagahan.
28. “At sinabi niya sa tao, ‘Ang pagsunod at paggalang sa Panginoon ay karunungan; at ang paglayo sa kasamaan ay siyang tunay na kaalaman.’”
1. Si Yahweh ay naghahari, magalak ang buong mundo! Magsaya nama't magdiwang, lahat kayong mga pulo!
2. Ang paligid niya'y ulap na punô ng kadiliman, kaharian niya'y matuwid at salig sa katarungan.
3. Sa unahan niya'y apoy, patuloy na nag-aalab, sinusunog ang kaaway sa matindi nitong ningas.
4. Yaong mga kidlat niyang tumatanglaw sa daigdig, kapag iyon ay namasdan, ang lahat ay nanginginig.
5. Itong mga kabundukan ay madaling nalulusaw, sa presensya ni Yahweh, Diyos ng sandaigdigan.
6. Sa langit ay nahahayag nga ang kanyang katuwiran, sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.
13. Disiplinahin mo ang bata. Ang wastong pagpalo ay hindi niya ikamamatay.
14. Inililigtas mo pa siya mula sa daigdig ng mga patay.
1. Itinatagubilin ko sa inyo ang ating kapatid na si Febe, na isang tagapaglingkod ng iglesya sa Cencrea.
2. Tanggapin ninyo siya alang-alang sa Panginoon, gaya ng nararapat gawin sa mga hinirang ng Diyos. Tulungan ninyo siya sa anumang pangangailangan niya sapagkat marami siyang natulungan, at ako'y isa sa mga iyon.
3. Ikumusta ninyo ako kina Priscila at Aquila na mga kamanggagawa ko kay Cristo Jesus.
4. Itinaya nila ang kanilang sarili sa panganib upang iligtas ang aking buhay, at hindi lamang ako ang nagpapasalamat sa kanila, pati na rin lahat ng iglesya ng mga Hentil.
5. Ikumusta rin ninyo ako sa iglesyang nagtitipon sa kanilang bahay. Ipaabot din ninyo ang aking pangungumusta sa mahal kong kaibigang si Epeneto na siyang unang sumampalataya kay Cristo doon sa Asia.
6. Ikumusta ninyo ako kay Maria na matiyagang naglilingkod para sa inyo.
7. Ikumusta ninyo ako sa mga kababayan kong sina Andronico at Junia, na nakasama ko sa bilangguan; sila'y kilala ng mga apostol at naunang naging Cristiano kaysa sa akin.
8. Ikumusta ninyo ako kay Ampliato na aking minamahal sa Panginoon,
9. kay Urbano, na kamanggagawa natin kay Cristo, at sa mahal kong kaibigang si Estaquis.
10. Ikumusta din ninyo ako kay Apeles na subok ang katapatan kay Cristo, sa pamilya ni Aristobulo,
11. sa kababayan kong si Herodion, at sa mga kapatid sa Panginoon sa sambahayan ni Narciso.
12. Gayundin kina Trifena at Trifosa na mga lingkod ng Panginoon, at sa mahal kong kaibigang si Persida, na marami nang nagawa para sa Panginoon.
13. Binabati ko rin si Rufo na magiting na lingkod ng Panginoon, at ang kanyang ina na para ko na ring ina;
14. gayundin sina Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hermas, at sa mga kapatid na kasama nila.
15. Binabati ko rin sina Filologo, Julia, Nereo at ang kanyang kapatid na babae; gayundin si Olimpas at ang lahat ng kapatid na kasama nila.
16. Magbatian kayo bilang magkakapatid na nagmamahalan. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo.
17. Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila.
18. Ang mga taong gayon ay hindi naglilingkod kay Cristo na Panginoon natin, kundi sa pansariling hangarin. Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap.
19. Balitang-balita ang inyong pagkamasunurin kay Cristo, at ikinagagalak ko ito. Ngunit nais kong maging matalino kayo tungkol sa mga bagay na mabuti at walang muwang tungkol sa masama.
20. Ang Diyos ang bukal ng kapayapaan at malapit na niyang pasukuin sa inyo si Satanas. Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesus.
21. Binabati kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa, gayundin ng mga kababayan kong sina Lucio, Jason at Sosipatro.
22. Akong si Tercio, na tagasulat ng liham na ito, ay bumabati sa inyo sa pangalan ng Panginoon.
23. Kinukumusta kayo ni Gaius na tinutuluyan ko; sa bahay niya nagtitipon ang buong iglesya. Kinukumusta rin kayo ni Erasto na ingat-yaman ng lungsod, at ng ating kapatid na si Cuarto. [
24. Nawa'y pagpalain kayong lahat ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Amen.] [
25. Purihin ang Diyos na makapagpapalakas sa inyo sa pamamagitan ng Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo na ipinapangaral ko. Ang Magandang Balitang iyan ay isang hiwagang naitago sa loob ng mahabang panahon,
26. subalit sa utos ng walang-hanggang Diyos ay nahayag ngayon sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta, upang ang lahat ay sumunod dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya.
27. Sa iisang Diyos, na sa lahat ay ganap ang karunungan—sa kanya iukol ang karangalan magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen.]
Tagalog Bible 2012
New Testament 2012 Philippine Bible Society Old Testament 2005 Philippine Bible Society