Bibliya sa isang taon

1. Dinggin mo, Oh Israel, ikaw ay tatawid sa Jordan sa araw na ito, upang iyong pasukin na ariin ang mga bansang lalong dakila at lalong makapangyarihan kay sa iyo, na mga bayang malaki at nakukutaan hanggang sa himpapawid,
2. Isang bayang malaki at mataas ng mga anak ng Anaceo, na iyong nakikilala, at tungkol sa kanila ay narinig mong sinasabi, Sinong makatatayo sa harap ng mga anak ni Anac?
3. Talastasin mo nga sa araw na ito, na ang Panginoon mong Dios ay siyang mangunguna sa iyo na parang mamumugnaw na apoy; kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo; sa gayoy iyong mapalalayas sila, at iyong malilipol silang madali, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon.
4. Huwag kang magsasalita sa iyong puso, pagkatapos na mapalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, na iyong sasabihin, Dahil sa aking katuwiran ay ipinasok ako ng Panginoon upang ariin ang lupaing ito; na dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas ng Panginoon sila sa harap mo.
5. Hindi dahil sa iyong katuwiran o dahil sa pagtatapat ng iyong loob ay iyong pinapasok upang ariin ang kanilang lupain: kundi dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas sila ng Panginoong Dios sa harap mo, at upang kaniyang papagtibayin ang salita na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
6. Talastasin mo nga na hindi ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios ang mabuting lupaing ito upang ariin ng dahil sa iyong katuwiran; sapagkat ikaw ay isang bayang matigas ang ulo.
7. Alalahanin mo, huwag mong kalimutan, kung paanong minungkahi mo sa galit ang Panginoon mong Dios sa ilang: mula nang araw na kayoy umalis sa lupain ng Egipto, hanggang sa kayoy dumating sa dakong ito ay naging mapanghimagsik kayo laban sa Panginoon.
8. Gayon din sa Horeb na inyong minungkahi ang Panginoon sa galit, at ang Panginoon ay nagalit sa inyo na kayo sanay lilipulin.
9. Nang akoy sumampa sa bundok upang tanggapin ang mga tapyas na bato, sa makatuwid bagay ang mga tapyas ng tipan na ginawa ng Panginoon sa inyo, ay natira nga ako sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig.
10. At ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato na sinulatan ng daliri ng Dios; at sa mga yaoy nasusulat ang ayon sa lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy nang araw ng kapulungan.
11. At nangyari sa katapusan ng apat na pung araw at apat na pung gabi, na ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato, sa makatuwid bagay ang mga tapyas ng tipan.
12. At sinabi ng Panginoon sa akin, Tumindig ka, manaog kang madali rito; sapagkat ang iyong bayan na iyong inilabas sa Egipto ay nangagpakasama; silay madaling lumihis sa daang aking iniutos sa kanila; silay nagsigawa para sa kanila ng isang larawang binubo.
13. Bukod ditoy sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang matigas ang ulo:
14. Bayaan mo ako na aking lipulin sila, at aking pawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit; at gagawin kita na isang bansang lalong makapangyarihan at lalong malaki kay sa kanila.
15. Sa gayoy pumihit ako at bumaba ako mula sa bundok, at ang bundok ay nagniningas sa apoy, at ang dalawang tapyas ng tipan ay nasa aking dalawang kamay.
16. At tumingin ako, at, narito, kayoy nakapagkasala na laban sa Panginoon ninyong Dios: kayoy nagsigawa para sa inyo ng isang guyang binubo: kayoy lumihis na madali sa daan na iniutos sa inyo ng Panginoon.
17. At aking tinangnan ang dalawang tapyas, at aking inihagis sa aking dalawang kamay, at aking iniwalat sa harap ng inyong mga mata.
18. At akoy nagpatirapa sa harap ng Panginoon, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig; dahil sa inyong buong kasalanan na inyong ipinagkasala sa paggawa ninyo ng masama sa paningin ng Panginoon na minungkahi ninyo siya sa galit;
19. Sapagkat natatakot ako dahil sa galit at maningas na poot, na ikinayamot ng Panginoon sa inyo, na lilipulin sana kayo. Ngunit dininig din naman ako noon ng Panginoon.
20. At ang Panginooy totoong nagalit kay Aaron na siya sanay papatayin: at akin din namang idinalangin si Aaron nang panahon ding yaon.
21. At aking kinuha ang inyong kasalanan, ang guyang inyong ginawa, at aking sinunog sa apoy, at aking niyapakan, na dinurog na mainam, hanggang sa naging durog na parang alabok; at aking inihagis ang alabok niyaon sa batis na umaagos mula sa bundok.
22. At sa Tabera, at sa Massa, at sa Kibroth-hataa-vah, ay inyong minungkahi ang Panginoon sa galit.
23. At nang suguin kayo ng Panginoon mula sa Cades-barnea, na sabihin, Sumampa kayo at ariin ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo; kayo ngay nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios, at hindi ninyo pinanampalatayanan siya, ni dininig ang kaniyang tinig.
24. Kayoy naging mapanghimagsik laban sa Panginoon, mula nang araw na kayoy aking makilala.
25. Sa gayoy nagpatirapa ako sa harap ng Panginoon na apat na pung araw at apat na pung gabi na akoy nagpatirapa, sapagkat sinabi ng Panginoon, na kaniyang lilipulin kayo.
26. At aking ipinanalangin sa Panginoon, at sinabi, Oh Panginoong Dios, huwag mong lipulin ang iyong bayan at ang iyong mana, na iyong tinubos ng iyong kadakilaan na iyong inilabas sa Egipto ng makapangyarihang kamay.
27. Alalahanin mo ang iyong mga lingkod, si Abraham, si Isaac, at si Jacob; huwag mong masdan ang pagmamatigas ng bayang ito, ni ang kasamaan nila, ni ang kasalanan nila:
28. Baka sabihin ng mga taga lupaing pinaglabasan mo sa amin: Sapagkat hindi sila naipasok ng Panginoon sa lupain na ipinangako sa kanila, at sa kapootan niya sa kanila, ay inilabas sila upang patayin sa ilang.
29. Gayon man silay iyong bayan at iyong mana, na iyong inilabas ng iyong dakilang kapangyarihan at ng iyong unat na bisig.
1. Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon sa akin, Humugis ka ng dalawang tapyas na bato, na gaya ng una, at sampahin mo ako sa bundok, at gumawa ka ng isang kaban na kahoy;
2. At aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas na iyong binasag, at iyong isisilid ang mga iyan sa kaban.
3. Sa gayoy gumawa ako ng isang kaban na kahoy na akasia, at akoy humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una, at akoy sumampa sa bundok na aking dala sa aking kamay ang dalawang tapyas.
4. At kaniyang isinulat sa mga tapyas, ang ayon sa unang sulat, ang sangpung utos na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy nang kaarawan ng kapulungan: at ang mga yaon ay ibinigay sa akin ng Panginoon.
5. At akoy pumihit at bumaba mula sa bundok, at aking isinilid ang mga tapyas sa kaban na aking ginawa, at nangandoon, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon.
6. (At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Beerot Bene-ja-acan hanggang sa Mosera: doon namatay si Aaron, at doon siya inilibing; at si Eleazar na kaniyang anak ay nangasiwa sa katungkulang saserdote na kahalili niya.
7. Mula roon ay naglakbay sila hanggang Gudgod; at mula sa Gudgod hanggang sa Jotbatha, na lupain ng mga batis ng tubig.
8. Nang panahong yaon ay inihiwalay ng Panginoon ang lipi ni Levi, upang magdala ng kaban ng tipan ng Panginoon, upang tumayo sa harap ng Panginoon na mangasiwa sa kaniya, at upang magbasbas sa kaniyang pangalan hanggang sa araw na ito.
9. Kayat ang Levi ay walang bahagi ni mana sa kasamahan ng kaniyang mga kapatid; ang Panginooy siyang kaniyang mana, ayon sa sinalita ng Panginoon mong Dios sa kaniya.)
10. At akoy nalabi sa bundok, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; at akoy dininig din noon ng Panginoon; hindi ka lilipulin ng Panginoon.
11. At sinabi ng Panginoon sa akin, Tumindig ka, lumakad ka na manguna sa bayan; at silay papasok at kanilang aariin ang lupain, na aking isinumpa sa kanilang mga magulang upang ibigay sa kanila.
12. At ngayon, Israel, ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi matakot ka sa Panginoon mong Dios, lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo.
13. Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito sa iyong ikabubuti?
14. Narito, sa Panginoon mong Dios nauukol ang langit, at ang langit ng mga langit, ang lupa, sangpu ng lahat na nangariyan.
15. Ang Panginoon ay nagkaroon lamang ng hilig sa iyong mga magulang na ibigin sila, at kaniyang pinili ang kanilang binhi pagkamatay nila, sa makatuwid bagay kayo, sa lahat ng mga bayan na gaya ng nakikita sa araw na ito.
16. Tuliin nga ninyo ang balat ng inyong puso, at huwag ninyong papagmatigasin ang inyong ulo.
17. Sapagkat ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol.
18. Kaniyang hinahatulan ng matuwid ang ulila at babaing bao, at iniibig ang taga ibang lupa, na binibigyan niya ng pagkain at kasuutan.
19. Ibigin nga ninyo ang taga ibang lupa: sapagkat kayoy naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.
20. Katatakutan mo ang Panginoon mong Dios; sa kaniyay maglilingkod ka, at sa kaniyay lalakip ka, at sa pamamagitan ng kaniyang pangalan susumpa ka.
21. Siya ang iyong kapurihan, at siya ang iyong Dios, na iginawa ka niya nitong mga dakila at kakilakilabot na mga bagay, na nakita ng iyong mga mata.
22. Ang iyong mga magulang ay lumusong sa Egipto na may pitong pung tao; at ngayoy ginawa ka ng Panginoon mong Dios na gaya ng mga bituin sa langit ang dami.
12. Ang masama ay kumakatha laban sa ganap, at pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin.
13. Tatawanan siya ng Panginoon: sapagkat kaniyang nakikita na ang kaniyang kaarawan ay dumarating.
14. Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog: upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan, upang patayin ang matuwid sa paglakad:
15. Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso, at ang kanilang busog ay mababali.
16. Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid, kay sa kasaganaan ng maraming masama.
17. Sapagkat ang mga bisig ng masasama ay mangababali: ngunit inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.
11. Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: ngunit siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa.
57. Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siyay nanganak ng isang lalake.
58. At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamaganak, na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya; at silay nangakigalak sa kaniya.
59. At nangyari, na nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siyay tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama.
60. At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi, Hindi gayon; kundi ang itatawag sa kaniyay Juan.
61. At sinabi nila sa kaniya, Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito.
62. At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag.
63. At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat.
64. At pagdakay nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dilay nakalag, at siyay nagsalita, na pinupuri ang Dios.
65. At sinidlan ng takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng lupaing maburol ng Judea.
66. At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagkat ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya.
67. At si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi,
68. Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagkat kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
69. At nagtaas sa atin ng isang sungay ng kaligtasan Sa bahay ni David na kaniyang alipin
70. (Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon),
71. Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
72. Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang, At alalahanin ang kaniyang banal na tipan;
73. Ang sumpa na isinumpa niya kay Abraham na ating ama,
74. Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway, Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,
75. Sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.
76. Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang propeta ng kataastaasan; Sapagkat magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan;
77. Upang maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan, Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan,
78. Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin,
79. Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.
80. At lumaki ang sanggol, at lumakas sa espiritu, at nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982