Bibliya sa isang taon

1. May isa ngang lalake na taga Ramathaim-sophim, sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang pangalan niyay Elcana, na anak ni Jeroham, na anak ni Eliu, na anak ni Thohu, na anak ni Suph na Ephraimita:
2. At siyay may dalawang asawa; ang pangalan ng isay Ana, at ang pangalan ng isay Peninna: at si Peninna ay may mga anak ngunit si Ana ay walang anak.
3. At ang lalaking ito ay umaahon sa taon-taon mula sa kaniyang bayan upang sumamba at maghain sa Panginoon ng mga hukbo sa Silo. At ang dalawang anak ni Eli, na si Ophni at si Phinees, na mga saserdote sa Panginoon, ay nangandoon.
4. At pagka dumarating ang araw na si Elcana ay naghahain, ay kaniyang binibigyan ng mga bahagi si Peninna na kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang mga anak na lalake at babae:
5. Ngunit si Ana ay binibigyan niya ng ibayong bahagi: sapagkat minamahal niya si Ana, bagaman sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata.
6. At minumungkahi siyang mainam ng kaniyang kaagaw upang yamutin siya, sapagkat sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata.
7. At gayon ang ginagawa niya sa taon-taon, na pagka inaahon niya ang bahay ng Panginoon ay minumungkahi niyang gayon ang isa; kayat siyay umiiyak, at hindi kumakain.
8. At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya, Ana, bakit ka umiiyak? at bakit hindi ka kumakain? at bakit nagdadalamhati ang iyong puso? hindi ba ako mabuti sa iyo kay sa sangpung anak?
9. Sa gayoy bumangon si Ana pagkatapos na makakain sila sa Silo at pagkatapos na silay makainom. Ngayoy si Eli na saserdote ay nakaupo sa upuan niya sa siping ng haligi ng pintuan ng templo ng Panginoon.
10. At siyay nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwa, at tumangis na mainam.
11. At siyay nanata ng isang panata, at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod, at aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod, kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake, ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo.
12. At nangyari, habang siyay nananatili ng pananalangin sa harap ng Panginoon, ay pinagmamasdan ni Eli ang kaniyang bibig.
13. Si Ana ngay nagsasalita sa kaniyang puso; ang kaniya lamang mga labi ang gumagalaw, ngunit ang kaniyang tinig ay hindi naririnig: kayat inakala ni Eli na siyay lasing.
14. At sinabi ni Eli sa kaniya, Hanggang kailan magiging lasing ka? ihiwalay mo ang iyong alak sa iyo.
15. At sumagot si Ana, at nagsabi, Hindi, panginoon ko, akoy isang babae na may diwang mapanglaw: hindi ako nakainom ng alak o inuming nakalalasing, kundi aking inihayag ang aking kaluluwa sa harap ng Panginoon.
16. Huwag mong ibilang na babaing hamak ang iyong lingkod: sapagkat sa kasaganaan ng aking daing at ng aking pagkaduwahagi ay nagsalita ako hanggang ngayon.
17. Nang magkagayoy sumagot si Eli, at nagsabi, Yumaon kang payapa: at ipagkaloob nawa sa iyo ng Dios ng Israel ang iyong hiling na hinihingi mo sa kaniya.
18. At sinabi niya, Makasumpong nawa ang iyong lingkod ng biyaya sa iyong paningin. Sa gayoy nagpatuloy ng kaniyang lakad ang babae at kumain, at ang kaniyang mukhay hindi na malumbay.
19. At silay bumangong maaga ng kinaumagahan, at sumamba sa Panginoon, at bumalik, at umuwi sa kanilang bahay sa Ramatha; at nakilala ni Elcana si Ana na kaniyang asawa; at inalaala siya ng Panginoon.
20. At nangyari, nang sumapit ang panahon, na si Ana ay naglihi, at nanganak ng isang lalake; at tinawag ang pangalan niya na Samuel, na sinasabi, Sapagkat aking hiningi siya sa Panginoon.
21. At ang lalaking si Elcana, at ang buong sangbahayan niya, ay nagsiahon upang maghandog sa Panginoon ng hain sa taon-taon, at ganapin ang kaniyang panata.
22. Ngunit si Ana ay hindi umahon; sapagkat sinabi niya sa kaniyang asawa, Hindi ako aahon hanggang sa ang batay mahiwalay sa suso; at kung magkagayoy aking dadalhin siya, upang siyay pakita sa harap ng Panginoon, at tumahan doon magpakailan man.
23. At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya, Gawin mo ang inaakala mong mabuti; maghintay ka hanggang sa maihiwalay mo siya sa suso; pagtibayin lamang ng Panginoon ang kaniyang salita. Sa gayoy naghintay ang babae, at pinasuso ang kaniyang anak, hanggang sa naihiwalay niya sa suso.
24. At nang kaniyang maihiwalay na sa suso, ay kaniyang iniahon, na may dala siyang tatlong guyang lalake, at isang epang harina, at isang sisidlang balat ng alak, at dinala niya siya sa bahay ng Panginoon sa Silo: at ang anak ay sanggol.
25. At kanilang pinatay ang guyang lalake, at dinala ang bata kay Eli.
26. At sinabi niya, Oh panginoon ko, alangalang sa buhay ng iyong kaluluwa, panginoon ko, ako ang babaing tumayo sa siping mo rito, na nanalangin sa Panginoon.
27. Dahil sa batang ito ako nanalangin; at ipinagkaloob sa akin ng Panginoon ang aking hiling na aking hiningi sa kaniya:
28. Kayat aking ipinagkakaloob naman sa Panginoon habang siyay nabubuhay ay ipinagkakaloob ko siya sa Panginoon. At siya ay sumamba sa Panginoon doon.
1. At si Ana ay nanalangin, at nagsabi: Nagagalak ang aking puso sa Panginoon; Ang aking sungay ay pinalaki ng Panginoon; Binigyan ako ng bibig sa aking mga kaaway; Sapagkat akoy nagagalak sa iyong pagliligtas.
2. Walang banal na gaya ng Panginoon; Sapagkat walang iba liban sa iyo, Ni may bato mang gaya ng aming Dios.
3. Huwag na kayong magsalita ng totoong kapalaluan; Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig; Sapagkat ang Panginoon ay Dios ng kaalaman, At sa pamamagitan niyay sinusukat ang mga kilos.
4. Ang mga busog ng mga makapangyarihang tao ay nasisira; At yaong nangatisod ay nabibigkisan ng kalakasan.
5. Yaong mga busog ay nagpaupa dahil sa tinapay; At yaong mga gutom ay hindi na gutom: Oo, ang baog ay nanganak ng pito; At yaong may maraming anak ay nanghihina.
6. Ang Panginooy pumapatay, at bumubuhay: Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa.
7. Ang Panginooy nagpapadukha at nagpapayaman: Siya ang nagpapababa, at siya rin naman ang nagpapataas.
8. Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan, Upang silay palukluking kasama ng mga prinsipe, At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian: Sapagkat ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon, At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila.
9. Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal; Ngunit ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman; Sapagkat sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig.
10. Yaong makipagkaalit sa Panginoon ay malalansag; Laban sa kanilay kukulog siya mula sa langit: Ang Panginoon ang huhukom sa mga wakas ng lupa; At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari, At palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis.
11. At si Elcana ay umuwi sa Ramatha sa kaniyang bahay. At ang batay nangangasiwa sa Panginoon sa harap ni Eli na saserdote.
12. Ngayoy ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake; hindi nila nakikilala ang Panginoon.
13. At ang kaugalian ng mga saserdote sa bayan, ay, na pagka ang sinomay naghahandog ng hain, lumalapit ang bataan ng saserdote, samantalang ang laman ay niluluto, na may hawak sa kamay na pang-ipit na may tatlong ngipin;
14. At kaniyang dinuduro sa kawali, o sa kaldera, o sa kaldero, o sa palyok; at lahat ng nadadala ng pang-ipit ay kinukuha ng saserdote para sa kaniya. Gayon ang ginagawa nila sa Silo sa lahat ng mga Israelita na naparoroon.
15. Oo, bago nila sunugin ang taba, ay lumalapit ang bataan ng saserdote, at sinasabi sa lalake na naghahain, Magbigay ka ng lamang maiihaw para sa saserdote, sapagkat hindi siya tatanggap sa iyo ng lamang luto, kundi hilaw.
16. At kung sabihin ng lalake sa kaniya, Walang pagsalang kanila munang susunugin ang taba, at saka mo kunin kung gaano ang nasain ng iyong kaluluwa; kaniya ngang sinasabi, Hindi, kundi ibibigay mo sa akin ngayon: at kung hindi ay aking kukuning sapilitan.
17. At ang kasalanan ng mga binatang yaon ay totoong malaki sa harap ng Panginoon; sapagkat niwawalan ng kabuluhan ng mga tao ang handog sa Panginoon.
18. Ngunit si Samuel ay nangangasiwa sa harap ng Panginoon, sa bagay ay bata pa, na may bigkis na isang kayong linong epod.
19. Bukod sa ritoy iginagawa siya ng kaniyang ina ng isang munting balabal, at dinadala sa kaniya taon-taon, pagka siyay umaahon na kasama ng kaniyang asawa upang maghandog ng hain sa taon-taon.
20. At binasbasan ni Eli si Elcana at ang kaniyang asawa, at sinabi, Bigyan ka nawa ng Panginoon ng binhi sa babaing ito sa lugar ng hingi na kaniyang hiningi sa Panginoon. At silay umuwi sa kanilang sariling bahay.
21. At dinalaw ng Panginoon si Ana, at siyay naglihi, at nagkaanak ng tatlong lalake at dalawang babae. At ang batang si Samuel ay lumalaki sa harap ng Panginoon.
22. Si Eli nga ay totoong matanda na; at kaniyang nababalitaan ang lahat ng ginagawa ng kaniyang mga anak sa buong Israel, at kung paanong silay sumisiping sa mga babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
23. At sinabi niya sa kanila, Bakit ginagawa ninyo ang mga ganiyang bagay? sapagkat aking nababalitaan sa buong bayang ito ang inyong mga masamang kilos.
24. Huwag, mga anak ko; sapagkat hindi mabuting balita ang aking naririnig: inyong pinasasalangsang ang bayan ng Panginoon.
25. Kung ang isang tao ay magkasala laban sa iba, ay hahatulan siya ng Dios; ngunit kung ang isang tao ay magkasala laban sa Panginoon, sino ang mamamagitan sa kaniya? Gayon may hindi nila dininig ang tinig ng kanilang ama, sapagkat inakalang patayin sila ng Panginoon.
26. At ang batang si Samuel ay lumalaki, at kinalulugdan ng Panginoon at ng mga tao rin naman.
27. At naparoon ang isang lalake ng Dios kay Eli, at sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Napakita ba ako ng hayag sa sangbahayan ng iyong ama, nang silay nasa Egipto sa pagkaalipin sa sangbahayan ni Faraon?
28. At pinili ko ba siya sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging saserdote ko, upang maghandog sa aking dambana, upang magsunog ng kamangyan, at upang magsuot ng epod sa harap ko? at ibinigay ko ba sa sangbahayan ng iyong ama ang lahat ng mga handog ng mga anak ni Israel na pinaraan sa apoy?
29. Bakit nga kayoy tumututol sa aking hain at sa aking handog, na aking iniutos sa aking tahanan, at iyong pinararangalan ang iyong mga anak ng higit kaysa akin, upang kayoy magpakataba sa mga pinakamainam sa lahat ng mga handog ng Israel na aking bayan?
30. Kayat sinasabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Aking sinabi nga na ang iyong sangbahayan, at ang sangbahayan ng iyong ama, ay lalakad sa harap ko magpakailan man: ngunit sinasabi ngayon ng Panginoon, Malayo sa akin; sapagkat yaong mga nagpaparangal sa akin ay aking pararangalin, at yaong mga humahamak sa akin ay mawawalan ng kabuluhan.
31. Narito, ang mga araw ay dumarating, na aking ihihiwalay ang iyong bisig, at ang bisig ng sangbahayan ng iyong ama, upang huwag magkaroon ng matanda sa iyong sangbahayan.
32. At iyong mamasdan ang kadalamhatian sa aking tahanan, sa buong kayamanan na ibibigay ng Dios sa Israel; at mawawalan ng matanda sa iyong sangbahayan magpakailan man.
33. At ang lalaking iyo, na hindi ko ihihiwalay sa aking dambana, ay magiging upang lunusin ang iyong mga mata at papanglawin ang iyong puso; at ang madlang mararagdag sa iyong sangbahayan ay mamamatay sa kanilang kabataan.
34. At ito ang magiging tanda sa iyo, na darating sa iyong dalawang anak, kay Ophni at kay Phinees: sa isang araw, silay kapuwa mamamatay.
35. At akoy magbabangon para sa akin ng isang tapat na saserdote, na gagawa ng ayon sa nasa aking puso at nasa aking pagiisip: at ipagtatayo ko siya ng panatag na sangbahayan; at siyay lalakad sa harap ng aking pinahiran ng langis, magpakailan man.
36. At mangyayari, na bawat isa na naiwan sa iyong sangbahayan, ay paroroon at yuyukod sa kaniya dahil sa isang putol na pilak at sa isang putol na tinapay, at magsasabi, Isinasamo ko sa iyong ilagay mo ako sa isa sa mga katungkulang pagkasaserdote, upang makakain ako ng isang subong tinapay.
1. At ang batang si Samuel ay nangangasiwa sa Panginoon sa harap ni Eli. At ang salita ng Panginoon ay mahalaga noong mga araw na yaon; walang hayag na pangitain.
2. At nangyari nang panahon na yaon, nang si Eli ay mahiga sa kaniyang dako, (ang kaniya ngang matay nagpasimulang lumabo, na siyay hindi nakakita,)
3. At ang ilawan ng Dios ay hindi pa namamatay, at si Samuel ay nakahiga upang matulog, sa templo ng Panginoon, na kinaroroonan ng kaban ng Dios;
4. Na tinawag ng Panginoon si Samuel: at kaniyang sinabi, Narito ako.
5. At siyay tumakbo kay Eli, at nagsabi, Narito ako; sapagkat tinawag mo ako. At kaniyang sinabi, Hindi ako tumawag; mahiga ka uli. At siyay yumaon at nahiga.
6. At tumawag pa uli ang Panginoon, Samuel. At bumangon si Samuel at naparoon kay Eli, at nagsabi, Narito ako: sapagkat akoy tinawag mo. At siyay sumagot, Hindi ako tumawag, anak ko; mahiga ka uli.
7. Hindi pa nga nakikilala ni Samuel ang Panginoon, o ang salita man ng Panginoon ay nahahayag pa sa kaniya.
8. At tinawag uli ng Panginoon na ikaitlo. At siyay bumangon, at naparoon kay Eli, at nagsabi, Narito ako; sapagkat akoy iyong tinawag. At nahalata ni Eli na tinatawag ng Panginoon ang bata.
9. Kayat sinabi ni Eli kay Samuel, Yumaon ka, mahiga ka: at mangyayari, na kung tatawagin ka niya, ay iyong sasabihin, Magsalita ka, Panginoon; sapagkat dinirinig ng iyong lingkod. Sa gayoy yumaon si Samuel at nahiga sa kaniyang dako.
10. At ang Panginoon ay naparoon, at tumayo, at tumawag na gaya ng una, Samuel, Samuel. Nang magkagayoy sinabi ni Samuel, Magsalita ka; sapagkat dinirinig ng iyong lingkod.
11. At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Narito, gagawa ako ng isang bagay sa Israel, na ang dalawang tainga ng bawat isa na nakikinig ay magpapanting.
12. Sa araw na yaon ay aking tutuparin kay Eli ang lahat na aking sinalita tungkol sa kaniyang sangbahayan, mula sa pasimula hanggang sa wakas.
13. Sapagkat aking isinaysay sa kaniya na aking huhukuman ang kaniyang sangbahayan magpakailan man, dahil sa kasamaan na kaniyang nalalaman, sapagkat ang kaniyang mga anak ay nagdala ng sumpa sa kanilang sarili, at hindi niya sinangsala sila.
14. At kayat akoy sumumpa sa sangbahayan ni Eli, na ang kasamaan ng sangbahayan ni Eli ay hindi mapapawi ng hain, o handog man magpakailan man.
15. At nahiga si Samuel hanggang sa kinaumagahan, at ibinukas ang mga pinto ng bahay ng Panginoon. At natakot si Samuel na saysayin kay Eli ang panaginip.
16. Nang magkagayoy tinawag ni Eli si Samuel, at nagsabi, Samuel, anak ko. At kaniyang sinabi, Narito ako.
17. At kaniyang sinabi, Ano ang bagay na sinalita sa iyo? isinasamo ko sa iyo na huwag mong ilihim sa akin: hatulan ka ng Dios, at lalo na, kung iyong ililihim sa akin ang anomang bagay sa lahat ng mga bagay na kaniyang sinalita sa iyo.
18. At isinaysay sa kaniya ni Samuel ang buong sinalita, at hindi naglihim ng anoman sa kaniya. At kaniyang sinabi, Panginoon nga: gawin niya ang inaakala niyang mabuti.
19. At si Samuel ay lumalaki at ang Panginoon ay sumasakaniya, at walang di pinapangyari sa kaniyang mga salita.
20. At nakilala ng buong Israel mula sa Dan hanggang sa Beer-seba na si Samuel ay itinatag na maging propeta ng Panginoon.
21. At napakilala uli ang Panginoon sa Silo, sapagkat ang Panginooy napakilala kay Samuel sa Silo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon.
1. Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios. Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan; walang gumawa ng mabuti.
2. Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tignan kung may sinomang nakakaunawa, na humanap sa Dios.
3. Bawat isa sa kanila ay tumalikod: silay magkakasamang naging mahahalay; walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4. Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan? na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay, at hindi nagsisitawag sa Dios.
5. Dooy nangapasa malaking katakutan sila na hindi kinaroroonan ng takot: sapagkat pinangalat ng Dios ang mga buto niya na humahantong laban sa iyo; iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagkat itinakuwil sila ng Dios.
6. Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion. Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan, magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.
8. Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: ngunit ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran.
9. Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: ngunit iniibig niya ang sumusunod sa katuwiran.
10. May mabigat na saway sa kaniya, na nagpapabaya ng lakad: at siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay.
11. Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon: gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao!
27. At may lumapit sa kaniyang ilan sa mga Saduceo, na nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli;
28. At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, isinulat sa amin ni Moises, na kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, na may asawa, at siyay walang anak, ay kunin ng kaniyang kapatid ang asawa, at bigyang anak ang kaniyang kapatid.
29. Mayroon ngang pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at namatay na walang anak;
30. At ang pangalawa:
31. At ang pangatloy nagasawa sa bao; at gayon din ang pito naman ay hindi nagiwan ng mga anak, at nangamatay.
32. Pagkatapos ay namatay naman ang babae.
33. Sa pagkabuhay na maguli nga, kanino sa kanila magiging asawa kaya ang babaing yaon? sapagkat siyay naging asawa ng pito.
34. At sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa:
35. Datapuwat ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin:
36. Sapagkat hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagkat kahalintulad na sila ng mga anghel; at silay mga anak ng Dios, palibhasay mga anak ng pagkabuhay na maguli.
37. Datapuwat tungkol sa pagbabangon ng mga patay, ay ipinakilala rin naman ni Moises sa Mababang punong kahoy, nang tinawag niya ang Panginoon na Dios ni Abraham, at Dios ni Isaac, at Dios ni Jacob.
38. Siya ngay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: sapagkat nangabubuhay sa kaniya ang lahat.
39. At pagsagot ng ilan sa mga eskriba, ay nangagsabi, Guro, mabuti ang pagkasabi mo.
40. Sapagkat hindi na nga sila nangahas tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.
41. At kaniyang sinabi sa kanila, Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David?
42. Sapagkat si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa aking kanan,
43. Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.
44. Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David, at paanong siyay anak niya?
45. At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, na naririnig ng buong bayan,
46. Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at iniibig nila ang silay pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan;
47. Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao, at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga itoy tatanggap ng lalong malaking kahatulan.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982