Bibliya sa isang taon

1. Nangyari nga isang araw, na si Jonathan na anak ni Saul ay nagsabi sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata, Halika at tayoy dumaan sa pulutong ng mga Filisteo, na nasa dakong yaon. Ngunit hindi niya ipinagbigay alam sa kaniyang ama.
2. At tumigil si Saul sa kaduluduluhang bahagi ng Gabaa sa ilalim ng puno ng granada na nasa Migron: at ang bayan na nasa kaniya ay may anim na raang lalake.
3. At si Achias na anak ni Achitob, na kapatid ni Ichabod, na anak ni Phinees, na anak ni Eli, na saserdote ng Panginoon sa Silo, ay nagsusuot ng epod. At hindi nalalaman ng bayan na si Jonathan ay yumaon.
4. At sa pagitan ng mga daanan, na pinagsikapan ni Jonathan na pagdaanan ng pulutong ng mga Filisteo, ay mayroong isang tila tukang bato sa isang dako at isang tila tukang bato sa kabilang dako: at ang pangalan ng isa ay Boses at ang pangalan niyaon isa ay Sene.
5. Ang isang tila tuka ay pataas sa hilagaan sa tapat ng Michmas, at ang isa ay sa timugan sa tapat ng Gabaa.
6. At sinabi ni Jonathan sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata: Halika at tayo ay dumaan sa pulutong ng mga hindi tuling ito: marahil ang Panginoon ay tutulong sa atin: sapagkat hindi maliwag sa Panginoon na magligtas sa pamamagitan ng marami o ng kaunti.
7. At sinabi sa kaniya ng tagadala niya ng sandata, Gawin mo ang buong nasa loob mo: lumiko ka, narito, akoy sumasa iyo ayon sa nasa loob mo.
8. Nang magkagayoy sinabi ni Jonathan, Narito, tayoy dumaan sa mga lalaking yaon, at tayoy pakikilala sa kanila.
9. Kung kanilang sabihing ganito sa atin, Kayoy maghintay hanggang sa kami ay dumating sa inyo; ay maghihintay nga tayo sa ating dako at hindi natin aahunin sila.
10. Ngunit kung kanilang sabihing ganito, Ahunin ninyo kami; aahon nga tayo: sapagkat ibinigay sila ng Panginoon sa ating kamay: at ito ang magiging tanda sa atin.
11. At kapuwa nga sila napakilala sa pulutong ng mga Filisteo: at sinabi ng mga Filisteo: Narito, ang mga Hebreo na lumabas sa mga hukay na kanilang pinagtaguan.
12. At sumagot ang mga lalake sa pulutong kay Jonathan at sa kaniyang tagadala ng sandata, at sinabi, Ahunin ninyo kami, at pagpapakitaan namin kayo ng isang bagay. At sinabi ni Jonathan sa kaniyang tagadala ng sandata, Umahon ka na kasunod ko: sapagkat ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel.
13. At gumapang si Jonathan ng kaniyang mga kamay at ng kaniyang mga paa, at ang kaniyang tagadala ng sandata ay kasunod niya. At silay nangabuwal sa harap ni Jonathan; at ang mga yaoy pinagpapatay ng kaniyang tagadala ng sandata na kasunod niya.
14. At yaon ang unang pagpatay na ginawa ni Jonathan at ng kaniyang tagadala ng sandata, sa may dalawang pung lalake, sa may pagitan ng kalahating akre ng lupa.
15. At nagkaroon ng panginginig sa kampamento, sa parang, at sa buong bayan: ang pulutong at ang mga mananamsam ay nagsipanginig din; lumindol; sa gayoy nagkaroon ng totoong malaking pagkayanig.
16. At ang mga bantay ni Saul sa Gabaa ng Benjamin ay tumanaw; at, narito, ang karamihan ay nawawala at silay nagparoot parito.
17. Nang magkagayoy sinabi ni Saul sa bayan na kasama niya, Magbilang kayo ngayon at inyong tingnan kung sino ang umalis sa atin. At nang silay magbilang, narito, si Jonathan at ang kaniyang tagadala ng sandata ay wala roon.
18. At sinabi ni Saul kay Achias, Dalhin ninyo rito ang kaban ng Dios. Sapagkat ang kaban ng Dios ay nandoon nang panahong yaon sa mga anak ni Israel.
19. At nangyari, samantalang nagsasalita si Saul sa saserdote, na ang kaingay na nasa kampamento ng mga Filisteo ay lumala ng lumala: at sinabi ni Saul sa saserdote, Iurong mo ang iyong kamay.
20. At nagpipisan si Saul at ang buong bayan na nasa kaniya at naparoon sa pakikibaka: at, narito, ang tabak ng bawat isa ay laban sa kaniyang kasama, at nagkaroon ng malaking pagkalito.
21. Ang mga Hebreo nga na napasa mga Filisteo nang una, na umahong kasama nila sa kampamento mula sa palibot ng lupain, ay nagsibalik pa rin na nakipisan sa mga Israelita na kasama ni Saul at ni Jonathan.
22. Gayon din ang mga lalake sa Israel na nagsikubli sa lupaing maburol ng Ephraim, na nang kanilang mabalitaan na ang mga Filisteo ay tumakas, ay nakihabol pati sila sa kanila sa pakikipagbaka.
23. Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel nang araw na yaon: at ang pagbabaka ay napalipat sa Beth-aven.
24. At ang mga lalake sa Israel ay namanglaw nang araw na yaon: sapagkat ibinilin ni Saul sa bayan, na sinasabi, Sumpain ang lalake na kumain ng anomang pagkain hanggang sa kinahapunan, at akoy nakaganti sa aking mga kaaway. Sa gayoy wala sinoman sa bayan na lumasap ng pagkain.
25. At ang buong bayan ay naparoon sa gubat; at may pulot sa ibabaw ng lupa.
26. At nang dumating ang bayan sa gubat, narito, ang pulot ay tumutulo ngunit walang tao na naglagay ng kaniyang kamay sa kaniyang bibig; sapagkat ang bayan ay natakot sa sumpa.
27. Ngunit hindi narinig ni Jonathan, nang ibilin ng kaniyang ama sa bayan na may sumpa: kayat kaniyang iniunat ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay at isinagi sa pulot, at inilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig, at ang kaniyang mga mata ay lumiwanag.
28. Nang magkagayoy sumagot ang isa sa bayan, at nagsabi, Ibiniling mahigpit ng iyong ama sa bayan na may sumpa, na sinasabi, Sumpain ang tao na kumain ng pagkain sa araw na ito. At ang bayan ay pata.
29. Nang magkagayoy sinabi ni Jonathan, Binagabag ng aking ama ang lupain: tingnan ninyo, isinasamo ko sa inyo, kung paanong ang aking mga mata ay lumiwanag, sapagkat akoy lumasa ng kaunti sa pulot na ito.
30. Gaano pa kaya kung ang bayan ay kumaing may kalayaan ngayon sa samsam sa kanilang mga kaaway na kanilang nasumpungan? sapagkat hindi nagkaroon ng malaking patayan ngayon sa gitna ng mga Filisteo.
31. At kanilang sinaktan ang mga Filisteo nang araw na yaon mula sa Michmas hanggang sa Ajalon: at ang bayan ay totoong pata.
32. At ang bayan ay dumaluhong sa samsam, at kumuha ng mga tupa, at mga baka, at mga guyang baka, at mga pinatay sa lupa: at kinain ng bayan pati ng dugo.
33. Nang magkagayoy kanilang isinaysay kay Saul, na sinasabi, Narito, ang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo. At kaniyang sinabi, Kayoy gumawang may paglililo: inyong igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito.
34. At sinabi ni Saul, Magsikalat kayo sa bayan at inyong sabihin sa kanila, Dalhin sa akin dito ng bawat tao ang kaniyang baka, at ng bawat tao ang kaniyang tupa, at patayin dito, at kanin; at huwag nang magkasala laban sa Panginoon sa pagkain ng dugo. At dinala ng buong bayan, bawat tao ang kaniyang baka nang gabing yaon at pinatay roon.
35. At nagtayo si Saul ng isang dambana sa Panginoon: yaon ang unang dambana na itinayo niya sa Panginoon.
36. At sinabi ni Saul, Ating lusungin na sundan ang mga Filisteo sa kinagabihan, at atin silang samsaman hanggang sa pagliliwanag sa umaga, at huwag tayong maglabi ng isang tao sa kanila. At kanilang sinabi, Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo. Nang magkagayoy sinabi ng saserdote, Tayoy lumapit dito sa Dios.
37. At si Saul ay humingi ng payo sa Dios: Lulusungin ko ba na susundan ang mga Filisteo? ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel? Ngunit hindi siya sinagot nang araw na yaon.
38. At sinabi ni Saul, Lumapit kayo rito, kayong lahat na puno ng bayan: at maalaman at makita kung saan nanggaling ang kasalanang ito sa araw na ito.
39. Sapagkat buhay nga ang Panginoon na nagliligtas sa Israel, na kahit si Jonathan na aking anak, ay walang pagsalang mamatay. Ngunit walang tao sa buong bayan na sumagot sa kaniya.
40. Nang magkagayoy sinabi niya sa buong Israel, Lumagay kayo sa isang dako, at ako at si Jonathan na aking anak ay lalagay sa kabilang dako. At sinabi ng bayan kay Saul, Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo.
41. Kaya sinabi ni Saul sa Panginoon, sa Dios ng Israel, Ituro mo ang matuwid. At si Jonathan at si Saul ay napili: ngunit ang bayan ay nakatanan.
42. At sinabi ni Saul, Pagsapalaran ninyo ako at si Jonathan na aking anak: at si Jonatan ay napili.
43. Nang magkagayoy sinabi ni Saul kay Jonathan, Saysayin mo sa akin kung ano ang iyong ginawa. At isinaysay ni Jonathan sa kaniya, at sinabi, Tunay na akoy lumasa ng kaunting pulot sa dulo ng tungkod na nasa aking kamay: at, narito, akoy marapat mamatay.
44. At sinabi ni Saul, Gawing gayon ng Dios at lalo na: sapagkat ikaw ay walang pagsalang mamamatay, Jonathan.
45. At sinabi ng bayan kay Saul, Mamamatay ba si Jonathan, na gumawa nitong dakilang kaligtasan sa Israel? Malayo nawa: buhay ang Panginoon, hindi malalaglag ang isang buhok ng kaniyang ulo sa lupa; sapagkat siyay gumawa na kasama ng Dios sa araw na ito. Sa gayoy iniligtas ng bayan si Jonathan, na anopat siyay hindi namatay.
46. Nang magkagayoy umahon si Saul na mula sa pagsunod sa mga Filisteo: at ang mga Filisteo ay naparoon sa kanilang sariling dako.
47. Nang masakop nga ni Saul ang kaharian sa Israel, ay bumaka siya laban sa lahat niyang mga kaaway sa bawat dako, laban sa Moab, at laban sa mga anak ni Ammon, at laban sa Edom, at laban sa mga hari sa Soba, at laban sa mga Filisteo: at saan man siya pumihit ay kaniyang binabagabag sila.
48. At kaniyang ginawang may katapangan, at sinaktan ang mga Amalecita, at iniligtas ang Israel sa mga kamay ng mga sumamsam sa kanila.
49. Ang mga anak nga ni Saul ay si Jonathan, at si Isui, at si Melchi-sua: at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na babae ay ito; ang pangalan ng panganay ay Merab, at ang pangalan ng bata ay Michal:
50. At ang pangalan ng asawa ni Saul ay Ahinoam, na anak ni Aimaas: at ang pangalan ng kaniyang kapitan sa hukbo ay Abner na anak ni Ner, amain ni Saul.
51. At si Cis ay ama ni Saul; at si Ner na ama ni Abner ay anak ni Abiel.
52. At nagkaroon ng mahigpit na pagbabaka laban sa mga Filisteo sa lahat ng mga araw ni Saul: at sa tuwing nakakakita si Saul ng sinomang makapangyarihang lalake, o ng sinomang matapang na lalake ay kaniyang ipinagsasama.
1. At sinabi ni Samuel kay Saul, Sinugo ako ng Panginoon upang pahiran kita ng langis na maging hari sa kaniyang bayan, sa Israel: ngayon ngay dinggin mo ang tinig ng mga salita ng Panginoon.
2. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, kung paanong siyay humadlang sa kaniya sa daan, nang siyay umahon mula sa Egipto.
3. Ngayoy yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi patayin mo ang lalake at babae, sanggol at sumususo, baka at tupa, kamelyo at asno.
4. At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim, dalawang yutang lalake na naglalakad, at sangpung libong lalake sa Juda.
5. At dumating si Saul sa bayan ng Amalec, at bumakay sa libis.
6. At sinabi ni Saul sa mga Cineo, Kayoy magsiyaon, humiwalay kayo at umalis kayo sa gitna ng mga Amalecita, baka kayoy lipulin kong kasama nila; sapagkat kayoy nagpakita ng kagandahang loob sa mga anak ni Israel, nang silay umahong mula sa Egipto. Sa gayoy umalis ang mga Cineo sa gitna ng mga Amalecita.
7. At sinaktan ni Saul ang mga Amalecita mula sa Havila kung patungo ka sa Shur, na nasa tapat ng Egipto.
8. At kaniyang kinuhang buhay si Agag na hari ng mga Amalecita, at lubos na nilipol ang buong bayan ng talim ng tabak.
9. Ngunit pinanghinayangan ni Saul at ng bayan si Agag, at ang pinakamabuti sa mga tupa, sa mga baka, at sa mga pinataba, at sa mga kordero, at lahat ng mabuti, at yaong mga hindi nila lubos na nilipol: ngunit bawat bagay na hamak at walang kabuluhan, ay kanilang lubos na nilipol.
10. Nang magkagayoy dumating ang salita ng Panginoon kay Samuel, na sinasabi,
11. Ikinalulungkot ko na aking inilagay na hari si Saul; sapagkat siyay tumalikod na hindi sumunod sa akin, at hindi tinupad ang aking mga utos. At si Samuel ay nagalit, at siyay dumaing sa Panginoon buong gabi.
12. At si Samuel ay bumangong maaga upang salubungin si Saul sa kinaumagahan; at nasaysay kay Samuel, na sinasabi, Si Saul ay naparoon sa Carmel, at, narito, ipinagtayo niya siya ng isang monumento, at siyay lumibot at nagpatuloy, at lumusong sa Gilgal.
13. At naparoon si Samuel kay Saul, at sinabi ni Saul sa kaniya, Pagpalain ka nawa ng Panginoon, aking tinupad ang utos ng Panginoon.
14. At sinabi ni Samuel, Anong kahulugan nga nitong iyak ng tupa sa aking pakinig, at ng ungal ng mga baka na aking naririnig?
15. At sinabi ni Saul, Silay dinala mula sa mga Amalecita: sapagkat ang bayan ay nagligtas ng pinakamabuti sa mga tupa at sa mga baka, upang ihain sa Panginoon mong Dios; at ang natira ay aming lubos na nilipol.
16. Nang magkagayoy sinabi ni Samuel kay Saul, Tumigil ka, at aking sasaysayin sa iyo kung ano ang sinabi ng Panginoon sa akin nang gabing ito. At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo.
17. At sinabi ni Samuel, Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At pinahiran ka ng langis ng Panginoon na maging hari sa Israel;
18. At sinugo ka ng Panginoon sa isang paglalakbay, at sinabi, Ikaw ay yumaon, at iyong lubos na lipulin ang mga makasalanang Amalecita, at labanan mo sila hanggang sa silay malipol.
19. Bakit nga hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, kundi ikaw ay dumaluhong sa pananamsam, at ikaw ay gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon?
20. At sinabi ni Saul kay Samuel, Oo, aking sinunod ang tinig ng Panginoon, at akoy yumaon sa daan na pinagsuguan sa akin ng Panginoon, at aking dinala si Agag na hari ng Amalec, at aking lubos na nilipol ang mga Amalecita.
21. Ngunit ang bayan ay kumuha sa samsam ng mga tupa at mga baka, ng pinakamabuti sa mga itinalagang bagay, upang ihain sa Panginoon mong Dios sa Gilgal.
22. At sinabi ni Samuel, Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.
23. Sapagkat ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap. Sapagkat dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari.
24. At sinabi ni Saul kay Samuel, Akoy nagkasala; sapagkat akoy sumalangsang sa utos ng Panginoon, at sa iyong mga salita; sapagkat akoy natakot sa bayan, at sumunod sa kanilang tinig.
25. Ngayon ngay isinasamo ko sa iyo, ipatawad mo ang aking kasalanan, at bumalik ka uli na kasama ko, upang akoy sumamba sa Panginoon.
26. At sinabi ni Samuel kay Saul, Hindi ako babalik na kasama mo; sapagkat iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, at itinakuwil ka ng Panginoon upang huwag ka nang maging hari sa Israel.
27. At nang pumihit si Samuel upang yumaon, siyay pumigil sa laylayan ng kaniyang balabal, at nahapak.
28. At sinabi ni Samuel sa kaniya, Hinapak sa iyo ng Panginoon ang kaharian ng Israel sa araw na ito, at ibinigay sa iyong kapuwa, na maigi kay sa iyo.
29. At ang Lakas ng Israel naman ay hindi magbubulaan o magsisisi man; sapagkat siyay hindi isang tao na magsisisi.
30. Nang magkagayoy kaniyang sinabi, Akoy nagkasala: gayon may parangalan mo ako ngayon, isinasamo ko sa iyo, sa harap ng mga matanda ng aking bayan at sa harap ng Israel, at bumalik ka uli na kasama ko upang aking sambahin ang Panginoon mong Dios.
31. Gayon bumalik uli na sumunod si Samuel kay Saul; at sumamba si Saul sa Panginoon.
32. Nang magkagayoy sinabi ni Samuel, Dalhin ninyo rito sa akin si Agag na hari ng mga Amalecita. At masayang naparoon si Agag sa kaniya. At sinabi ni Agag, Tunay na ang kapaitan ng kamatayan ay nakaraan na.
33. At sinabi ni Samuel, Kung paanong niwalan ng anak ng iyong tabak ang mga babae, ay magiging gayon ang iyong ina na mawawalan ng anak, sa gitna ng mga babae. At pinagputolputol ni Samuel si Agag sa harap ng Panginoon sa Gilgal.
34. Nang magkagayoy naparoon si Samuel sa Rama, at si Saul ay sumampa sa kaniyang bahay sa Gabaa ni Saul.
35. At si Samuel ay hindi na bumalik na napakitang muli kay Saul hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan; sapagkat tinangisan ni Samuel si Saul: at ang Panginoon ay nagdamdam na kaniyang nagawang hari si Saul sa Israel.
1. Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin; sapagkat ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo. Oo, sa lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako, hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
2. Akoy dadaing sa Dios na Kataastaasan; sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
3. Siyay magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako, pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah) susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.
24. Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay, upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba.
25. Bubunutin ng Panginoon ang bahay ng palalo: ngunit kaniyang itatatag ang hangganan ng babaing bao.
1. At nagsitindig ang buong kapulungan nila, at dinala siya sa harap ni Pilato.
2. At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi na siya rin nga ang Cristo, ang hari.
3. At tinanong siya ni Pilato, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sumagot siya at sinabi, Ikaw ang nagsasabi.
4. At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito.
5. Datapuwat silay lalong nangagpipilit na sinasabi, Ginugulo niya ang bayan, na nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.
6. Datapuwat nang itoy marinig ni Pilato, ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo.
7. At nang maunawa na siyay nasasakop ni Herodes, ay ipinadala niya siya kay Herodes, na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman.
8. Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagkat malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagkat siyay nakabalita tungkol sa kaniya; at siyay naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya.
9. At tinanong niya siya ng maraming salita; datapuwat siyay hindi sumagot ng anoman.
10. At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig, na isinusumbong siyang mainam.
11. At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siyay nilibak, at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato.
12. At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato: sapagkat dating silay nagkakagalit.
13. At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote, at ang mga pinuno at ang bayan,
14. At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya;
15. Wala, kahit si Herodes man; sapagkat siyay ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.
16. Siya ngay aking parurusahan, at siyay pawawalan.
17. Kinakailangan nga niyang sa kanilay magpakawala ng isang bilanggo sa kapistahan.
18. Datapuwat silang lahat ay nagsisigawang paminsan, na nangagsabi, Alisin mo ang taong ito, at pawalan mo sa amin si Barrabas:
19. Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa pagpatay.
20. At si Pilatoy nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus;
21. Datapuwat silay nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.
22. At kaniyang sinabi sa kanila, na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siyay pawawalan.
23. Datapuwat pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siyay ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.
24. At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi,
25. At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwat ibinigay si Jesus sa kalooban nila.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982