1. Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
2. Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
3. Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
4. Pag akoy nahihiga, aking sinasabi, kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi? At akoy puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.
5. Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok; ang aking balat ay namamaga at putok putok.
6. Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi, at nagugugol na walang pagasa.
7. Oh alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga: Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.
8. Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan: ang iyong mga mata ay sasa akin, ngunit wala na ako.
9. Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.
10. Siyay hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.
11. Kayat hindi ko pipigilin ang aking bibig; akoy magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa; akoy dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa.
12. Ako bay isang dagat, o isang malaking hayop dagat, na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
13. Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan, papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;
14. Kung magkagayoy pinupukaw mo ako ng mga panaginip, at pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:
15. Na anopat pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis, at ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.
16. Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man: bayaan akong magisa; sapagkat ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan.
17. Ano ang tao, na iyong palalakhin siya, at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,
18. At iyong dadalawin siya tuwing umaga, at susubukin siya sa tuwi-tuwina?
19. Hanggang kailan di mo ako iiwan, ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?
20. Kung akoy nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao? Bakit mo nga inilalagay akong pinakatanda sa iyo. Na anopat akoy isang pasan sa aking sarili?
21. At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan? Sapagkat ngayoy mahihiga ako sa alabok; at akoy hahanapin mong mainam, ngunit wala na ako.
1. Nang magkagayoy sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
2. Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito? At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig?
3. Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios? O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan?
4. Kung ang iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang:
5. Kung hanapin mong mainam ang Dios, at iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat;
6. Kung ikaw ay malinis at matuwid; walang pagsalang ngayoy gigising siya dahil sa iyo. At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran.
7. At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, gayon may ang iyong huling wakas ay lalaking mainam.
8. Sapagkat ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang:
9. (Sapagkat tayoy kahapon lamang, at walang nalalaman, sapagkat ang ating mga kaarawan sa lupa ay anino:)
10. Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo, at mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso?
11. Makatataas ba ang yantok ng walang putik? Tutubo ba ang tambo ng walang tubig?
12. Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol, natutuyong una kay sa alin mang damo.
13. Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios; at ang pagasa ng di banal ay mawawala:
14. Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam, at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba.
15. Siyay sasandal sa kaniyang bahay, ngunit hindi tatayo; siyay pipigil na mahigpit dito, ngunit hindi makapagmamatigas.
16. Siyay sariwa sa harap ng araw, at ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan.
17. Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton, kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato.
18. Kung siyay magiba sa kaniyang dako, kung magkagayoy itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita.
19. Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad, at mula sa lupa ay sisibol ang mga iba.
20. Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao, ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan.
21. Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa, at ang iyong mga labi ng paghiyaw.
22. Silang nangapopoot sa iyo ay mabibihisan ng pagkahiya; at ang tolda ng masama ay mawawala.
8. Ngunit ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man.
9. Sapagkat, narito, ang mga kaaway mo, Oh Panginoon, sapagkat, narito, ang mga kaaway moy malilipol; lahat ng mga manggagawa ng kasamaan ay mangangalat.
10. Ngunit ang sungay koy iyong pinataas na parang sungay ng mailap na toro: akoy napahiran ng bagong langis.
11. Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway, narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin.
12. Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma. Siyay tutubo na parang cedro sa Libano.
13. Silay nangatatag sa bahay ng Panginoon; silay giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
14. Silay mangagbubunga sa katandaan; silay mapupuspos ng katas at kasariwaan:
15. Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid; siyay aking malaking bato, at walang kalikuan sa kaniya.
17. Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas, at ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman.
18. Sapagkat maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo, kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi.
19. Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon, aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito, oo, sa iyo.
20. Hindi ba ako sumulat sa iyo ng mga marilag na bagay na mga payo at kaalaman;
21. Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan, upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo?
1. Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo, na hindi ako nagsisinungaling, na akoy sinasaksihan ng aking budhi sa Espiritu Santo,
2. Na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na karamdaman sa aking puso.
3. Sapagkat akoy makapagnanasa na ako man ay itakuwil mula kay Cristo dahil sa aking mga kapatid, na aking mga kamaganak ayon sa laman.
4. Na pawang mga Israelita; na sa kanila ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at ang paglilingkod sa Dios, at ang mga kapangakuan;
5. Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa.
6. Datapuwat hindi sa ang salita ng Dios ay nauwi sa wala. Sapagkat hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel:
7. Ni sapagkat silay binhi ni Abraham, ay mga anak na silang lahat: kundi, Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi.
8. Sa makatuwid, ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Dios: kundi ang mga anak sa pangakoy siyang ibibilang na isang binhi.
9. Sapagkat ito ang salita ng pangako, Ayon sa panahong itoy paririto ako, at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake.
10. At hindi lamang gayon; kundi nang maipaglihi na ni Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito ngay ng ating ama na si Isaac-
11. Sapagkat ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag,
12. Ay sinabi sa kaniya, Ang panganay ay maglilingkod sa bunso.
13. Gaya ng nasusulat, Si Jacob ay inibig ko, datapuwat si Esau ay aking kinapootan.
14. Ano nga ang ating sasabihin? Mayroon baga kayang kalikuan sa Dios? Huwag nawang mangyari.
15. Sapagkat sinasabi niya kay Moises, Akoy maaawa sa aking kinaaawaan, at akoy mahahabag sa aking kinahahabagan.