1. At nangyari, nang mga kaarawan ni Achaz na anak ni Jotham, anak ni Uzzias, na hari sa Juda, na si Rezin na hari sa Siria, at si Peca na anak ni Remalias, hari sa Israel, ay nagsiahon sa Jerusalem upang makipagdigma laban doon; ngunit hindi nanganaig laban doon.
2. At nasaysay sa sangbahayan ni David, na sinasabi, Ang Siria ay nalakip sa Ephraim. At ang puso niyay nakilos, at ang puso ng kaniyang bayan na gaya ng mga punong kahoy sa gubat na kinilos ng hangin.
3. Nang magkagayoy sinabi ng Panginoon kay Isaias, Lumabas ka na iyong salubungin si Achaz, ikaw, at si Sear-jasub na iyong anak, sa dulo ng padaluyan ng tipunan ng tubig sa itaas, sa lansangan ng parang ng nagpapaputi ng kayo;
4. At sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay magingat, at tumahimik ka; huwag kang matakot, o manglupaypay man ang iyong puso ng dahil sa dalawang buntot na apoy na ito na umuusok, ng dahil sa mabangis na galit ng Rezin at Siria, at ng anak ni Remalias.
5. Dahil sa ang Siria ay pumayo ng masama laban sa iyo, ang Ephraim din naman, at ang anak ni Remalias, na nagsasabi,
6. Magsiahon tayo laban sa Juda, at ating bagabagin, at ating papasukin sila, at tayoy maglagay ng hari sa gitna niyaon, sa makatuwid bagay ang anak ni Tabeel:
7. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Hindi matatayo o mangyayari man.
8. Sapagkat ang pangulo ng Siria ay ang Damasco, at ang pangulo ng Damasco ay ang Rezin: at sa loob ng anim na put limang taon ay magkakawatakwatak ang Ephraim, upang huwag maging bayan:
9. At ang pangulo ng Ephraim ay ang Samaria, at ang pangulo ng Samaria ay ang anak ni Remalias. Kung kayoy hindi maniniwala, tunay na hindi kayo mangatatatag.
10. At ang Panginoon ay nagsalita uli kay Achaz, na nagsasabi,
11. Humingi ka sa ganang iyo ng tanda na mula sa Panginoon mong Dios; humingi ka maging sa kalaliman, o sa kaitaasan sa itaas.
12. Ngunit sinabi ni Achaz, Hindi ako hihingi, ni tutuksuhin ko man ang Panginoon.
13. At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh sangbahayan ni David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios?
14. Kayat ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.
15. Siyay kakain ng mantekilla at pulot, pagka siyay natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti.
16. Sapagkat bago maalaman ng bata na tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti, pababayaan ang lupain ng dalawang haring iyong kinayayamutan.
17. Ang Panginoon ay magpapasapit sa iyo, at sa iyong bayan, at sa sangbahayan ng iyong magulang ng mga araw na hindi nangyari mula ng araw na humiwalay ang Ephraim sa Juda; sa makatuwid bagay ang hari sa Asiria.
18. At mangyayari sa araw na yaon, na susutsutan ng Panginoon ang langaw na nasa kahulihulihang bahagi ng mga ilog ng Egipto, at ang pukyutan na nasa lupain ng Asiria.
19. At silay magsisidating, at silang lahat ay mangagpapahinga sa mga gibang libis, at sa mga bitak ng malalaking bato, at sa lahat ng mga tinikan, at sa lahat ng mga sukal.
20. Sa araw na yaon ay aahitin ng Panginoon ang ulo at ang balahibo ng mga paa, ng pangahit na inupahan, ang nangasa bahagi ng dako roon ng Ilog, ang hari sa Asiria: at aalisin din ang balbas.
21. At mangyayari sa araw na yaon, na ang isang tao ay magaalaga ng guyang baka, at ng dalawang tupa;
22. At mangyayari, na dahil sa kasaganaan ng gatas na kanilang ibibigay ay kakain siya ng mantekilla: sapagkat ang bawat isa na naiwan sa gitna ng lupain ay kakain ng mantekilla at pulot.
23. At mangyayari sa araw na yaon, na ang bawat dakong kinaroroonan ng libong puno ng ubas na nagkakahalaga ng isang libong siklong pilak, ay magiging dawagan at tinikan.
24. Paroroon ang isa na may mga pana at may busog; sapagkat ang buong lupain ay magiging mga dawag at mga tinikan.
25. At ang lahat ng burol na hinukay ng azarol, hindi mo paroroonan dahil sa takot sa mga dawag at sa mga tinikan; kundi magiging pagalaan sa mga baka, at yurakan ng mga tupa.
1. At sinabi ng Panginoon sa akin, Kumuha ka ng malapad na tabla, at sulatan mo ng panulat ng tao, Kay Maher-salalhash-baz;
2. At magdadala ako ng mga tapat na saksi upang mangagpaalaala, si Urias na saserdote, at si Zacarias na anak ni Jeberechias.
3. At akoy naparoon sa propetisa; at siyay naglihi, at nanganak ng isang lalake. Nang magkagayoy sinabi ng Panginoon sa akin, Tawagin mo ang kaniyang pangalan na Maher-salalhash-baz.
4. Sapagkat bago ang anak ay matutong dumaing ng, Ama ko, at: Ina ko, ang mga kayamanan ng Damasco at ang samsam sa Samaria ay dadalahin sa harap ng hari ng Asiria.
5. At nagsalita pa ang Panginoon uli sa akin, na nagsasabi,
6. Yamang tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloe na nagsisiagos na marahan, at siyay nagagalak kay Rezin at sa anak ni Remalias;
7. Ngayon nga, narito, iniaahon ng Panginoon sa kanila ang tubig ng Ilog, malakas at marami, sa makatuwid bagay ang hari sa Asiria at ang buo niyang kaluwalhatian: at siyay aahon sa lahat niyang bangbang, at aapaw sa buo niyang baybayin:
8. At magpapatuloy sa dako ng loob ng Juda; aapaw at lalampas; aabot hanggang sa leeg; at ang laganap ng kaniyang mga pakpak ay siyang magpupuno ng kaluwangan ng iyong lupain, Oh Emmanuel.
9. Kayoy magsamasama, Oh mga bayan, at kayoy mangagkakawatakwatak; at kayoy mangakinig, kayong lahat na taga malayong lupain: mangagbigkis kayo, at kayoy mangagkakawatakwatak; kayoy mangagbigkis, at kayoy mangagkakawatakwatak.
10. Mangagsanggunian kayo, at yaoy mauuwi sa wala; mangagsalita kayo ng salita at hindi matatayo: sapagkat ang Dios ay sumasaamin.
11. Sapagkat ang Panginoon ay nagsalitang ganito sa akin na may malakas na kamay, at tinuruan ako na huwag lumakad ng lakad ng bayang ito, na sinasabi,
12. Huwag ninyong sabihin, Pagbabanta; tungkol sa lahat na sasabihin ng bayang ito, Pagbabanta, o huwag mang mangatakot kayo ng kanilang takot, o mangilabot man doon.
13. Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang inyong aariing banal; at sumakaniya ang inyong takot, at sumakaniya ang inyong pangingilabot.
14. At siyay magiging pinakasantuario; ngunit pinakabatong katitisuran at pinaka malaking batong pangbuwal sa dalawang sangbahayan ng Israel, na pinakabitag at pinakasilo sa mga nananahan sa Jerusalem.
15. At marami ang mangatitisod doon, at mangabubuwal, at mangababalian, at mangasisilo, at mangahuhuli.
16. Talian mo ang patotoo, tatakan mo ang kautusan sa gitna ng aking mga alagad.
17. At aking hihintayin ang Panginoon na nagkukubli ng kaniyang mukha sa sangbahayan ni Jacob, at aking hahanapin siya.
18. Narito, ako at ang mga anak na ibinigay ng Panginoon sa akin ay mga pinakatanda at pinaka kababalaghan sa Israel na mula sa Panginoon ng mga hukbo, na tumatahan sa bundok ng Sion.
19. At pagka kanilang sasabihin sa inyo, Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na nagsisihuni at nagsisibulong; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios? dahil baga sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay?
20. Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.
21. At silay magsisidaan doon, na nahihirapan at gutom: at mangyayari, na pagka silay mangagugutom, silay mangagagalit, at magsisisumpa alangalang sa kanilang hari at sa kanilang Dios, at ititingala nila ang kanilang mga mukha:
22. At silay titingin sa lupa, at, narito, kahirapan at kadiliman, ulap ng kahapisan, at sa salimuot na kadiliman ay itataboy sila.
37. At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto: at hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.
38. Natuwa ang Egipto nang silay magsialis; sapagkat ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila.
39. Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi,
40. Silay nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit.
41. Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig; nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.
42. Sapagkat kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, at si Abraham na kaniyang lingkod.
43. At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, at ang kaniyang hirang na may awitan.
44. At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari:
45. Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon.
30. Akoy nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad, at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa;
31. At, narito, tinubuang lahat ng mga tinik, ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag, at ang bakod na bato ay nabagsak.
32. Ako ngay tumingin, at aking binulay na mabuti: aking nakita, at tumanggap ako ng turo.
33. Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
34. Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw; at ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao.
1. Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia.
2. Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawat isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.
3. At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem:
4. At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, silay isasama ko.
5. Ngunit akoy paririyan sa inyo, pagkaraan ko sa Macedonia; sapagkat magdaraan ako sa Macedonia;
6. Datapuwat marahil akoy matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang akoy tulungan ninyo sa aking paglalakbay saan man ako pumaroon.
7. Sapagkat hindi ko ibig na kayoy makita ngayon sa paglalakbay; sapagkat inaasahan kong akoy makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon.
8. Datapuwat akoy titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes;
9. Sapagkat sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway.
10. Ngayon kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siyay mapasainyo na walang pangamba; sapagkat ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman:
11. Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siyay makaparito sa akin: sapagkat inaasahan ko siyay kasama ng mga kapatid.
12. Ngunit tungkol sa kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siyay pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; ngunit paririyan pagkakaroon niya ng panahon.
14. Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.
15. Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya, at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal),
16. Na kayoy pasakop naman sa mga gayon, at sa bawat tumutulong sa gawa at nagpapagal.
17. At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: sapagkat ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.
18. Sapagkat inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.
19. Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayoy binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.
20. Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Kayoy mangagbatian ng halik na banal.
21. Ang bati ko, ni Pablo na sinulat ng aking sariling kamay.
22. Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, ay maging takuwil siya. Maranatha.
23. Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.
24. Ang aking pagibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.