Bibliya sa isang taon

1. Nang magkagayoy sumagot si Job, at nagsabi,
2. Sa katotohanan ay nalalaman kong itoy gayon: ngunit paanong makapaggaganap ang tao sa Dios?
3. Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siyay hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo.
4. Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa?
5. Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
6. Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig.
7. Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin.
8. Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat.
9. Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan.
10. Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang.
11. Narito, siyay dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siyay nagpapatuloy rin naman, ngunit hindi ko siya namamataan.
12. Narito, siyay nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo?
13. Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya.
14. Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya?
15. Na kahiman akoy matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; akoy mamamanhik sa aking hukom.
16. Kung akoy tumawag, at siyay sumagot sa akin; gayon may hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig.
17. Sapagkat akoy ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan.
18. Hindi niya ako tutulutang akoy huminga, ngunit nililipos niya ako ng hirap.
19. Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siyay may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?
20. Kahiman akoy matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman akoy sakdal patototohanan niya akong masama.
21. Akoy sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.
22. Lahat ay isa; kayat aking sinasabi: kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama.
23. Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.
24. Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga?
25. Ngayoy ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.
26. Silay nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli.
27. Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako:
28. Akoy natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.
29. Akoy mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?
30. Kung akoy maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;
31. Gayon may itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.
32. Sapagkat siyay hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya, na tayoy pumasok kapuwa sa kahatulan,
33. Walang hukom sa pagitan natin, na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa.
34. Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod, at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:
35. Kung magkagayoy magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya; sapagkat hindi gayon ako sa aking sarili.
1. Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay; aking palalayain ang aking daing; akoy magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.
2. Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin.
3. Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati, na iyong itakuwil ang gawa ng iyong mga kaaway, at iyong pasilangin ang payo ng masama?
4. Ikaw bay may mga matang laman, o nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao?
5. Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao, o ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
6. Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan, at magusisa ng aking kasalanan,
7. Bagaman iyong nalalaman na akoy hindi masama; at walang makapagliligtas sa iyong kamay?
8. Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin sa buong palibot; gayon may pinahihirapan mo ako.
9. Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na akoy iyong binigyang anyo na gaya ng putik; at iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok?
10. Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas, at binuo mo akong parang keso?
11. Akoy binihisan mo ng balat at laman, at sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid.
12. Akoy pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob, at pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw.
13. Gayon may ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso; talastas ko na itoy sa iyo:
14. Kung akoy magkasala, iyo nga akong tinatandaan, at hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan.
15. Kung akoy maging masama, sa aba ko; at kung akoy maging matuwid, hindi ko man itataas ang aking ulo; yamang puspos ng kakutyaan, at ng pagmamasid niring kadalamhatian.
16. At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang leon: at napakikita ka uling kagilagilalas sa akin.
17. Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin, at dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin; paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin.
18. Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata? Napatid sana ang aking hininga, at wala nang matang nakakita pa sa akin.
19. Ako sanay naging parang hindi nabuhay; nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan,
20. Hindi ba kaunti ang aking mga araw? paglikatin mo nga, at akoy iyong bayaan, upang akoy maginhawahan ng kaunti,
21. Bago ako manaw doon na hindi ako babalik, sa lupain ng kadiliman at ng lilim ng kamatayan;
22. Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman; lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos, at doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman.
1. Ang Panginoon ay naghahari; siyay nananamit ng karilagan; ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; siyay nagbigkis niyaon: ang sanglibutan naman ay natatag, na hindi mababago.
2. Ang luklukan moy natatag ng una: ikaw ay mula sa walang pasimula.
3. Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon, ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong; ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.
4. Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig, malalakas na hampas ng alon sa dagat, ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
5. Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay: ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay, Oh Panginoon, magpakailan man.
22. Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagkat siyay dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan:
23. Sapagkat ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila.
16. Kaya nga hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa.
17. Sapagkat sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon, Dahil sa layong ito, ay itinaas kita, upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangalay maitanyag sa buong lupa.
18. Kaya nga sa kaniyang ibig siyay naaawa, at sa kaniyang ibig siyay nagpapatigas.
19. Sasabihin mo nga sa akin, Bakit humahanap pa siya ng kamalian? Sapagkat sino ang sumasalangsang sa kaniyang kalooban?
20. Ngunit, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito?
21. O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isay sa ikahihiya.
22. Ano kung ang Dios ay inibig na ihayag ang kaniyang kagalitan, at ipakilala ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiis ng malaking pagpapahinuhod sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira:
23. At upang maipakilala ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na kaniyang inihanda nang una pa sa kaluwalhatian,
24. Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil?
25. Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig.
26. At mangyayari, na sa dakong pinagsabihan sa kanila, kayoy hindi ko bayan, Ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay.
27. At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, ay ang nalalabi lamang ang maliligtas:
28. Sapagkat isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa, na tatapusin at paiikliin.
29. At gaya ng sinabi nang una ni Isaias, Kung hindi nagiwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo, Tayoy naging katulad sana ng Sodoma, at naging gaya ng Gomorra.
30. Ano nga ang ating sasabihin? Na ang mga Gentil, na hindi nangagsisisunod sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, sa makatuwid bagay ng katuwiran sa pananampalataya:
31. Datapuwat ang Israel sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran, ay hindi umabot sa kautusang iyan.
32. Bakit? Sapagkat hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Silay nangatisod sa batong katitisuran;
33. Gaya ng nasusulat, Narito, inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at batong pangbuwal: At ang sumasampalataya sa kaniyay hindi mapapahiya.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982